NO BAKE COOKIES, ANYONE?

KUNG hindi mo pa na-try ang no bake cookies, subukan mo ang recipe na ito at siguradong magugustuhan mo.

Noong isang linggo, naisipan kong gumawa ng no bake cookies. Try lang. Sabi kasi nila masarap. Dahil mahilig ako sa oatmeal, naisip ko lang, pwede siguro ito. Mahilig din ako sa peanut butter at meron din sa cabinet, sinamahan ko pa ng chocolate, aba, ang sarap nga! At healthy pa dahil walang gluten.

Heto po ang complete recipe”

1 cup instant oatmeat, 1/2 cup peanut butter (yung runny para madaling i-blend), 1/4 cup sugar at chocolate chips. Optional po ang chocolates pero mas masarap kasi kapag meron kaya nilagyan ko.

Pagsama-samahin po ang lahat ng ingredients hanggang sa madali na itong imolde ng pabilog. Ilagay sa ref para tumigas sa loob ng 10 minutes, at pwede na pong kainin.

Pwede rin pong lagyan ng mani kung nanaisin.