(No chance na kasing maging sila) BIANCA UMALI FOREVER FRIEND NI MIGUEL TANFELIX

POKUS ngayon ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix sa kanyang showbiz wallfacecareer at sa pag-aaral. Sadyang nagbawas ng kanyang work load si Miguel para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.

Sa pamilya kasi nila, halos lahat ay naging titulado kaya nais ni Miguel na ituloy ang nakalakihan niya. Masasabi pa rin naman na kahit nagsimula siya bilang isang child star ay may roles pa rin si Miguel na gustong gawin.

Say ng young actor, feel na feel niyang lumabas nang mga roles na susubok sa kanyang kakayanan at isa na rito ay ang pagiging kontrabida, as in bida-kontrabida type of role. Gusto ring subukan ni Miguel ang maging isang action star. Sa rami pa ng gusto niyang gawin role ay nagsimula na siyang mag-workshop para mas maging preparado siya sakaling dumating ang panahon na gawin ang mga pangarap na role.

Kumusta naman kaya ang kanyang personal na buhay? Zero lovelife daw ngayon si Miguel at nang matanong naman ang panliligaw niya kay Bianca Umali, ang kanyang childhood sweetheart, say ni Miguel, close friend pa rin sila hanggang sa ngayon at may puwang na raw itong si Bianca sa kanyang puso kahit sa pag­lipas pa ng panahon.

KLEA PINEDA SASABAK NA SA LEAD ROLE

MALAKING hamon para kay Klea Pineda ang pagkakaroon ng sariling teleserye. Si KLEA PINEDAKlea ang Ultimate Female Avenger ng “Starstruck 6” kung saan si Migo Adecer naman ang male counterpart niya at naging bida na rin sa “Sahaya” nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Silang dalawa ni Jeric Gonzales ang magkatambal sa bagong teleserye ng GMA7 na “Magkaagaw” kung saan susuportahan sila ng mga de kalibreng actor tulad nina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz. Hindi na bago para kay Klea na maging ka-loveteam si Jeric sa teleserye, sila rin ang magkapartner sa “Ika-5 Utos”.

Ngayon na tuluyan na silang ilulunsad into stardom, mas daring and matured na raw ang bagong role ni Klea? Say naman ng young actress, gradweyt na raw siya sa mga pabebe roles at kahit may pressure sa kanyang panig ay go at laban lang si Klea sa panibagong role na inaatang sa kanya, isang role na hahamon sa kanyang kakayanan bilang isang artista at level up na ang karakter ni Klea from pa-tweetum roles.

May nagsasabing may pagka-sexy raw ang ilang eksena niyang gagawin pero okey lang ito kay Klea. Dagdag na say pa niya, alam niyang marami pa siyang dapat na gawin para madiskubre talaga ang kanyang kakayanan.

Comments are closed.