HINDI lamang sa mga pampublikong sasakyan mandatory ang pagsusuot ng face shield, kundi maging sa enclosed establish-ments tulad ng malls.
“Dapat sinusuot na rin ang face shields sa mga nakasaradong commercial establishment, gaya po ng mga malls,” wika ni Presi-dential Spokesperson Harry Roque, na nagsasalita para Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Dis-eases sa isang media briefing.
Una nang sinabi ni Roque na kinokonsidera ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng pampublikong lugar sa bansa kasunod na rin ng pagpapatupad ng ‘no face shield, no ride’ policy sa mga pampublikong transportasyon. Maging sa mga work-place ay ginawa na ring mandatory ang pagsusuot ng face shield.
Ika-15 ng Agosto nang umpisahan ang implementasyon ng pagsusuot ng face shield sa nabanggit na mga lugar matapos na maisama ito sa bagong guidelines ng IATF.
Ayon sa mga miyembro ng task force, hinihikayat ang pagsusuot ng face shield bilang karagdagang proteksiyon, bukod sa face shield, laban sa COVID-19 na patuloy na dumarami ang kaso.
Comments are closed.