NO FLY ZONE SA PALIGID NG TAAL VOLCANO

Photo by Dirk Salcedo, AviationUpdatesPH.com

NAGLABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng  Notice to Airmen (NOTAM) para sa mga flights na malapit sa Taal Volcano, at may vertical limits mula sa lupa ng hanggamg  10000 feet.

Ayon sa CAAP ng nasabing  NOTAM B3294/24 ay epektibo mula kahapon,  August 19, 2024, 8:48am, hanggang bukas August 20, 2024, 9:00am.

Sa kasalukuyan base sa inilabas na anunsyo ng CAAP ang Taal Volcano nasa Alert Level 1 o (Low-level Unrest).

Ang mga Flight operators ay inaabisujan na  iwasan ang paglipad  malapit sa  bunganga ng  summit nito dahil sa posibilidad ng biglaan at delikadong steam-driven or gas-driven na pagputom na psoibleng maglagay sa mga sasakyang pang hompapawid sa balag ng alanganin.

CRISPIN RIZAL