NO MANDATORY DRUG TEST SA MGA ESTUDYANTE

Education Secretary Leonor Brio­nes

WALANG isasagawang mandatory drug test sa mga estudyante sa Grade 4 pataas hanggang walang batas hinggil dito.

Ayon kay Education Secretary Leonor Brio­nes, dahil malinaw ang batas na tanging ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo lamang ang isasalang sa random drug testing.

Sinabi pa ni Briones na tiyak na mahaharap din ang Department of Education (DepEd) sa administrative challenges sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Sa public schools pa lamang, ipinabatid ni Briones na sasaklawin ng posibleng mandatory drug test ang tinatayang 14 milyong Grade 4 hanggang Grade 12 estudyante.

Tinukoy pa ni Brio­nes, ang data privacy law at mga panganib nang paghawak sa mga sensitibong impormas­yon.                                 DWIZ882

Comments are closed.