MAGTATAGUMPAY ang pagbabawas ng sukat ng social distancing hangga’t mahigpit na ipinatutupad ang iba pang health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields at pagbabawal sa pagsasalita sa loob ng pampublikong sasakyan.
Ito ang tiniyak ni National Task Force COVID-19 policy chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa ikalawang araw na ng pagpapatupad sa. 75 metrong distansiya mula sa dating isang metro.
“With the protection ng face mask and face shield, no talking para no droplet. Dapat no talking, no eating, no use of cellphone. ‘Yung iba like sa Japan, no talking pero dikit-dikit na (sa PUVs),” pahayag ni Galvez.
Naniniwala ang kalihim na ang panganib ng pagkahawa sa virus sa pampublikong sasakyan ay hindi mataas kumpara sa bahay at sa lugar ng trabaho.
“Ang pinaka-vulnerable bahay or community kasi tinatanggal ang face mask sa bahay. Pati na sa workplace, like canteen and smoking area. Pero shuttles and transport, hindi naman masyado,” dagdag pa ni Galvez, subalit nilinaw nito na dapat din matiyak ang maayos na ventilation sa PUVs o ‘yung nagsu-curculate ang hangin.
Ang MRT aniya ay sinisimulate na ng Department of Transportation bago patakbuhin o may mitigation process.
Pinaalalahanan nito ang publiko na umiwas sa 3 C’s: crowding, close contact, and confined spaces. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.