INIIMBESTIGAHAN na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na pagpapairal ng “no vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang naturang polisiya ay hindi aprubado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Aniya, inatasan na nila ang DILG regional office sa Cebu na makipag-ugnayan kay acting Mayor Michael Rama para suriin ang ginagawa nila roon.
Sinabi pa ni Año na masyado pang maaga para sa lungsod na magpatupad ng ganitong polisiya dahil maliit pa lamang ang bilang ng mga bakunadong indibidwal.
Nauna rito, nabatid na pinahintulutan na ng Cebu City government ang mga tao sa kanilang lugar na bakunado ng COVID-19 na makapag-avail ng dine-in at personal care services, kahit pa isang dose pa lamang ng bakuna laban sa COVID-19 ang kanilang natatanggap.
Nabatid na sa target na 700,000 recipients ay 300,000 residente pa lamang ang nakatanggap ng first at second dose ng bakuna.
Dagdag ng acting Mayor, kung darating umano ang hinihiling nilang suplay ng COVID-19 vaccine sa Nobyembre, ay maaabot ng lungsod ang kanilang target vaccination number pagsapit ng Disyembre. EVELYN GARCIA
485100 506261whoa, this really is a truly very good piece of details. I read about something like this before, this is impressively fantastic stuff. 495858