LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.6 percent noong 2021 sa gitna ng pagluluwag sa COVID-19 restrictions, habang naitala ang 7.7 percent GDP growth sa fourth quarter, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang 2021 GDP growth ay mas mataas din sa 5 hanggang 5.5 percent target na itinakda ng Development and Budget Coordination Committee noong Disyembre.
Ayon sa state statistics bureau, ang fourth-quarter growth ay mas mataas kumpara sa naunang quarter, na ibinaba sa 6.9 percent mula 7.1 percent, at kabaligtaran ng -8.3 percent growth rate sa kaparehong panahon noong 2020.
Ang GDP growth noong nakaraang taon ay isang malaking recovery kumpara sa 9.6 percent contraction noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang nominal GDP noong nakaraang taon ay malapit sa GDP pre-pandemic.
Aniya, ang GDP noong 2020 ay bumagsak sa P17.939 trillion, subalit nakabawi sa P19.387 trillion noong 2021, habang nasa P19.518 trillion ito noong 2019.
“So if we compare 2021 versus 2019, current prices, we are down by about P131 billion or estimated 0.7 percent,” ani Mapa.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, pinalakas nito ang projection ng mga economic manager na makababalik ang ekonomiya sa pre-pandemic level nito ngayong taon.
Ang main contributors sa fourth quarter at full-year growth ay manufacturing; wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles; at construction.
“Among the major economic sectors, Agriculture, forestry, and fishing, Industry and Services all posted positive growths in the fourth quarter with 1.4 percent, 9.5 percent, and 7.9 percent, respectively,” ayon sa PSA.
Sa pagtaya ng mga economic manager, ang ekonomiya ay lalago mula 7 hanggang 9 percent ngayong taon.