NAGTALA ang kimchi exports ng South Korea ng bagong record noong 2023 sa gitna ng tumataas na popularidad ng Korean entertainment content sa buong mundo.
Ang outbound shipments ng kimchi, isang traditional Korean side dish na karaniwang gawa sa fermented cabbage, ay tumaas ng 7.1 percent sa 44,041 tons, ayon sa datos na tinipon ng Korea Customs Service.
Ang latest figure ay mas mataas sa naunang record na naitala noong 2021, nang ang export volume ay umabot sa 42,544 tons.
Pagdating sa value, ajg exports ay pumalo sa $155.6 million noong 2023, tumaas ng 10.5 percent mula 2022:
“Kimchi exports experienced a significant surge last year, primarily attributed to the increased popularity of K-content,” pahayag ng isang agricultural ministry official.
Ang Japan ang top destination para sa kimchi exports noong nakaraang taon, na may 20,173 tons, kasunod ang United States na may 10,660 tons at Netherlands na may 1,756 tons. Samantala, ang kimchi imports ng South Korea ay umabot sa $163.5 million noong 2023, bumaba ng 3.4 percent on-year para maitala ang trade deficit na $7.95 million. Ang bansa ay umaangkat ng kimchi sa China dahil sa mataas na production costs sa domestic market.