(Noong 2023) P2.09-T AMBAG NG TURISMO SA PH ECONOMY

PUMALO sa P2.09 trillion ang naging ambag ng turismo sa ekonomiya ng bansa noong 2023, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang nasabing halaga ay 48% na mas malaki sa P1.41 trillion Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) noong 2022.

Ang  halaga ay kumatawan sa 8.6% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa o P2.09 trillion, na nasa US$35 billion.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang 2023 TDGVA  ay  labis na impresibo at kahanga-hanga bilang pinakamalaki simula noong 2000.

Sa kanyang talumpati sa opening ceremony ng 36th Joint Meeting of the United Nations (UN) Tourism Commission for East Asia at ng Pacific and the UN Tourism Commission para sa South Asia sa Cebu City, kinilala ni PBBM ang mahalagang papel ng turismo sa mga ekonomiya at lipunan.

Sa pamamagitan ng Department of Tourism (DOT),  nalampasan ng pamahalaan ang 2023 tourist arrival target na 4.8 million makaraan ang 5.45 million international tourists.

Ang International tourist arrival sa bansa ay pumalo na sa 2.9 million mula January hanggang March 2024 na nasa 38.1% na ng 7.7 million tourist arrival target ngayong taon.

“These highlight the robust recovery and continued appeal of our country as a top travel destination,” ayon kay Pangulong Marcos.  

EVELYN QUIROZ