LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.6 percent noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mabagal ito sa 7.6 percent growth na naitala noong 2022, at mas mababa sa target range ng pamahalaan na 6 hanggang 7 percent para sa 2023.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang ekonomiya ng bansa, na sinusukat ng gross domestic product (GDP) o ng total value of goods and services na naprodyus sa isang panahon, ay lumago ng 5.6% mula October hanggang December 2023.
Mas mabagal ito kumpara sa 7.1% growth rate na naitala sa fourth quarter ng 2022. Mas mababa rin ito sa upwardly revised third quarter 2023 GDP growth rate na 6%.
Ngayong 2024, target ng bansa na lumago sa pagitan ng 6.5 at 7.5 percent.