(Noong Abril) MANUFACTURING OUTPUT LUMAGO

LUMAGO ang manufacturing output ng bansa, kapwa sa volume at value, noong Abril, isang turnaround mula sa naitalang pagbaba noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa  Monthly Integrated Survey of Selected Industries na inilabas noong Biyernes ay lumitaw na ang value of the production index (VaPI) ay lumago ng 5.9 percent noong Abril mula -6.8 percent noong Marso.

“The annual increase of VaPI in April 2024 from an annual drop in March 2024 was mainly attributed to the annual increase in the manufacture of food products at 7.4 percent during the month from an annual decrease of 12.5 percent in March 2024,” ayon sa PSA.

Ang iba pang primary contributors sa annual increment ng VaPI noong Abril ay ang annual increases sa manufacture of transport equipment sa 6.6 percent mula  -11.4 percent sa naunang buwan, at sa manufacture of electrical equipment sa 40.9 percent mula sa annual decrease na 4.3 percent noong Marso 2024.

Samantala, ang volume of production index (VoPI) ay lumago ng 6.7 percent, isang turnaround mula -5.8 percent noong Marso.

Ayon sa PSA, ang paglago sa VoPI noong Abril ay dahil sa annual increase sa manufacture of food products sa 6.8 percent mula  -13.2 percent noong Marso  2024.

“Other primary contributors to the uptrend in VoPI were the annual increases noted in the manufacture of transport equipment at 5.1 percent in April from an annual drop of 12.0 percent in the previous month, and in the manufacture of fabricated metal products, except machinery and equipment at 32.3 percent during the from -3.1 percent in March,” ayon pa sa PSA.

Samantala, sinabi ng PSA na base sa mga responding establishment, ang average capacity utilization rate para sa manufacturing noong Abril 2024 ay iniulat sa 75.2 percent mula 75.3 percent noong Marso 2024.

Noong Abril  2023, ang average capacity utilization rate ay naitala sa 72.5 percent.

“All industry divisions reported capacity utilization rates of more than 60.0 percent during the month,” sabi ng PSA.

Ang top three industry divisions pagdating sa iniulat na capacity utilization rate ay ang manufacture of other non-metallic mineral products (82.1 percent), manufacture of furniture (81.9 percent), at manufacture of textiles (80.1 percent).

(PNA)