(Noong Enero) COLLECTION GOAL NAHIGITAN NG BOC

NALAGPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang  collection target nito sa Enero.

Ayon sa BOC, ang koleksiyon nito noong nakaraang buwan ay umabot sa P58.158 billion, mas mataas ng P6.035 billion o 11.58% kaysa sa target na P52.123 billion.

Sinabi ng ahensiya na 14 mula sa 17 ports ang humusay ang performance, na kinabibilangan ng San Fernando, Manila, Manila International Container Port, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri at Limay.

Sa kaagahan ng Enero, iniulat ng BOC na nakakolekta ito ng P645.77 billion noong 2021, mas mataas kaysa sa 2020 performance nito at 4.7% above target.

Ang magandang collection performance ng BOC ay sa likod ng  “improved valuation. intensified enforcement against illegal importations, improved compliance by traders to customs laws, the gradual improvement of importation volume, and the government’s effort in ensuring unhampered movement of goods domestically and internationally.”

Ang BOC ang ikalawang pinakamalaking revenue-generating agency kasunod ng Bureau of Internal Revenue.