TUMAAS ng 9 percent ang mga subsidiya na ipinagkaloob sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) noong Hulyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa pinakahuling cash operations report ng BTr noong Sabado, ang mga subsidiya sa GOCCs noong Hulyo ay umabot sa P33.23 billion, tumaas mula sa P30.32 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mataas din ito ng 27 percent kumpara sa P26.05 billion subsidies na ipinagkaloob sa GOCCs noong Hunyo ngayong taon.
Ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang tumanggap ng pinakamalaking budgetary support na nagkakahalaga ng P22.6 billion.
Sumunod ang National Irrigation Administration (NIA) na may P3.9-billion na subsidiya, National Housing Authority (NHA) na may P3.3 billion, at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) na may P1.2 billion.
Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, ang subsidies ng gobyerno sa GOCCs ay umabot sa P96.9 billion.
Ang PhilHealth ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya na nagkakahalaga ng P37.6 billion.
Sumunod ang NIA na may P25.7 billion, Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (P5.0 billion), National Food Authority (P4.7 billion), NHA (P4.5 billion), at Bases Conversion and Development Authority (P2.9 billion).
Ang iba pang top recipients ay kinabibilangan ng PFDA (P2.4 billion), Philippine Crop Insurance Corporation (P1.9 billion), Philippine Heart Center (P1.2 billion), at Philippine Children’s Medical Center (P1.0 billion).
-(PNA)