NAPANATILI ng bank lending ng universal and commercial banks (U/KBs) ang paglago nito habang bahagyang bumilis ang pagtaas ng domestic liquidity noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa preliminary data na inilabas ng BSP, ang outstanding loans ng mga bangko, hindi kasama ang mga inilagay sa reverse repurchase facility ng central bank, ay tumaas ng 10.1 percent, ang kaparehong rate ng pagtaaas na naitala noong Mayo.
Ang outstanding loans na inisyu ng U/KBs ay nagkakahalaga ng P12.09 trillion noong Hunyo mula P12.07 trillion noong Mayo ngayong taon at P10.9 trillion noong nakaraang taon.
Sinabi ng BSP na ang outstanding loans to residents, net of RRPs, ay bahagyang bumagal ang paglago sa 10.1 percent mula 10.2 percent noong Mayo.
Samantala, ang outstanding loans to non-residents, ay lumago ng 9.8 percent mula 8.1 percent noong Mayo ngayong taon.
Ang loans para sa production activities ay tumaas ng 8.3 percent mula 8.4 percent na pangunahing binubuo ng loans to key industries tulad ng real estate activities (12.3 percent); wholesale and retail trade, at repair of motor vehicles and motorcycles (9.3 percent); manufacturing (8.9 percent); transportation and storage (26.2 percent); at electricity, gas, steam, and airconditioning supply (5.7 percent).
Lumago naman ng 25 percent ang consumer loans to residents sa gitna ng pagtaas sa credit card loans.
Samantala, ang domestic liquidity ay tumaas ng 6.6 percent sa P17.5 trillion mula P17. 39 trillion noong Mayo.
Ang paglago sa domestic liquidity ay bahagyang bumilis sa 6.5 percent expansion noong Mayo.
Tumaas ang domestic claims ng 10.5 percent mula 10.7 percent noong Mayo.
Ang claims sa pribadong sektor ay lumago ng 11.7 percent mula 11.6 percent noong Mayo sa patulot na expansion sa bank lending sa non-financial private corporations at households.