TUMAAS ang average farmgate price ng palay sa national level sa P18.57 kada kilo noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos na inilabas ng PSA, ang average farmgate price ng palay sa naturang buwan ay mas mataas ng 6.5 percent kumpara sa P17.43 kada kilog sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
“Month-on-month, it increased by 2.1 percent compared with the PHP18.19 average farmgate price per kilogram in February 2023,” ayon sa PSA.
Sa hanay ng mga rehiyon, ang pinakamataas na farmgate price ng palay noong nakaraang Marso ay naitala sa Ilocos sa P20.83 kada kilo.
Samantala, ang pinakamababa ay naiposte sa Eastern Visayas sa P16.49 kada kilog.
Ayon sa PSA, ang lahat ng rehiyon ay nagtala ng positive year-on-year growth rates noong March 2023.
Ang Ilocos Region ang nagposte ng pinakamataas na annual increase na 11.6 percent, habang ang Northern Mindanao ang nagrehistro ng pinakamababang year-on-year increment na 0.5 percent.
“Month-on-month, 12 regions recorded increases in the average farmgate prices, while four regions posted decreases for this month,” sabi pa ng PSA.
Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa Cordillera Admin- istrative Region sa 10.5 percent, habang ang pinakamabilis na pagbaba na -13.3 percent ay naobsbahan sa Eastern Visayas.
Para sa first quarter ng taon, ang average farmgate price ng palay sa national level ay nasa P18.17 kada kilo, tumaas ng 3.9 percent mula sa naunang quar- ter na average farmgate price na P17.49 kada kilo.
IMas mataas din ito ng 4.2 percent kumpara noong nakaraang taon. Ang pinakamataas na average farmgate price para sa first quarter ay naitala sa Ilocos Region sa P19.81 kada kilo, habang ang pinakamababa ay sa Caraga sa P16.91 kada kilo.
-PNA