LUMAKI ang trade deficit ng bansa noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos na inilabas ng PSA, ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng deficit na $4.927 billion noong Marso, mas mataas sa $3.905 billion noong Pebrero at sa $4.585 billion noong March 2022.
Ang exports para sa buwan ay nasa $6.528 billion, mas mababa ng 9.1% kumpara sa $7.182 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ngunit mas mataas sa $5.078 billion noong Pebrero.
Ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa electronic products, na bum agsak sa $479.41 million; coconut oil, sa $51.82 million; travel goods and handbags, bumaba sa $34.69 million; miscel laneous manufactured articles, $30.70 million; at other manufactured goods, $30.68 million.
Ang manufactured goods ay nag-ambag ng 78.3% o $5.11 billion sa total exports noong Marso, na sinundan ng mineral products na may 11.8% o $770.37 million, at total agro-based products na may 7.1% o $466.31 million.
Ang exports sa China ang bumubuo sa pinakamataas na value, na nagkakahalaga ng $1.42 billion o 21.8%. Sumunod ang Japan na may $980.34 million, Unit ed States of America na may $877.89 million, Hong Kong na may $550.85 million, at Singapore na may $371.72 million.
Nagtala naman ang imports ng 2.7% pagbaba sa $11.455 billion mula $11.768 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, subalit mas mataas sa $8.983 billion noong Pebrero.
Ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa mineral fuels na bumagsak ng $519.28 million; electronic products, $415.29 million; medicinal and pharmaceutical products ng $221.01 million; organic and inorganic chemicals ng $66.51 million; at animal and vegetable oils at fats, $58.63 million.
Ang electronic products ang nagposte ng pinakamataas na imported value na may $2.34 billion o 20.4%, sumusunod ang min eral fuels sa $1.66 billion o 14.5%, at trans port equipment na may $1.02 billion o 8.9%.
Ang China ang pinakamalaking suppli er ng imported goods sa bansa na may $2.57 billion o 22.4%, kasunod ang Indonesia na may $1.09 billion, Japan na may $958.96 million, Korea, $780.55 million, at Thailand na may $770.95 million.