LUMOBO ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa 2.11 million noong Mayo ng kasalukuyang taon mula 2.04 million noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 4.1% unemployment rate noong May 2024, na bahagyang mas mataas sa 4% na naiposte sa naunang buwan.
Samantala, ang employment rate ng bansa noong Mayo ay nasa 95.9%, tumaas mula sa 95.7% noong Mayo ng nakaraang taon, ngunit mas mababa kumpara sa 96.0% noong April 2024.
Sinabi rin ni Mapa na 4.82 million mula 48.87 million employed individuals ang underemployed o naghahangad ng karagdagang working hours o karagdagang trabaho, noong Mayo.
Katumbas ito ng 9.9% underemployment rate, mas mababa sa 14.6% tally o 7.04 million underemployed individuals noong Abril.
Ang services sector ay nanatiling nangunguna pagdating sa bilang ng employed persons (48.87 million) na may share na 60.1%.
Sumunod ang griculture sector na may 20.8% ng employed persons, habang ang industry sector ay may 19.1%
Mula April 2024 hanggang May 2024, ang top five sub-sectors na may pinakamalaking pagtaas sa bilang ng employed persons ay ang agriculture and forestry (+610,000); construction (+391,000); public administration and defense; compulsory social security (+309,000); education (+116,000); at manufacturing (+107,000).
Samantala, ang sub-sectors na may pinakamalaking pagbaba sa bilang ng employed persons month-on-month ay ang accommodation and food service activities (-322,000); fishing and aquaculture (-241,000); administrative and support service activities (-135,000); professional, scientific and technical activities (-101,000); at other service activities (-74,000).