(Noong Oktubre) PH MANUFACTURING TULOY SA PAGLAGO

MULING nakabawi ang manufacturing sector ng bansa noong Oktubre, ayon sa IHS Markit’s manufacturing purchasing managers’ index (PMI).

Iniulat ng London-based information and analytics mula sa IHS Markit na ang Philippine manufacturing PMI noong nakaraang buwan ay tumaas sa 51 mula 50.9 noong Setyembre 2021.

Ang iskor na mataas sa 50 ay nagpapakita ng ‘improvement’ sa sektor habang ang mababa sa  neutral mark ay indikasyon ng pagsama ng manufacturing performance.

“October PMI data signalled a slight pick-up in growth across the Philippines manufacturing sector. Some restrictions continued to ease, and the demand environment showed tentative signs of improvement with new orders stabilizing after six months of decline,” wika ni IHS Markit economist Shreeya Patel.

Samantala, sinabi ni Patel na banta sa paglago ng manufacturing ang kakulangan sa raw materials at ang tumataas na presyo, gayundin ang pagkaantala ng delivery.

“Such pressures are likely to persist over the next few months but a key concern comes from firms only partly able to pass on higher costs given the relatively weak demand environment,” dagdag pa niya.