(Noong Pebrero) $1.4-B FDIs PUMASOK SA PH

TUMAAS ang foreign direct investment (FDI) net inflows ng 29.3 percent noong Pebrero ng kasalukuyang taon.

Sa datos na inilabas ng Bangko ng Pilipinas (BSP), ang FDI net inflows sa nasabing buwan ay nagkakahalaga ng USD1.4 billion, tumaas mula sa USD1.1 billion na naiposte noong Pebrero ng nakaraang taon.

“This development was due to the 927.3 percent expansion in nonresidents’ net investments in equity capital to USD764 million from USD74 million in February 2023,” ayon sa BSP.

Gayunman, sinabi ng BSP na ang paglago sa FDI inflows ay pinahinahon ng 41.5 percent contraction sa nonresidents’ net investments sa debt instruments sa USD533 million noong February 2024 mula USD912 noong February 2023.

Ang reinvestment of earnings ay bahagya ring bumaba sa USD66 million mula USD69 million.

Ang FDIs ay kinabibilangan ng  nonresident direct investor sa isang resident enterprise, na ang equity capital sa huli ay hindi bababa sa 10 percent, at  investment na isinagawa ng isang nonresident subsidiary o associate sa resident direct investor nito.

Ang FDI ay maaaring sa anyo ng iequity capital, reinvestment of earnings, at borrowings.

“Bulk of the equity capital placements during the reference month came from the Netherlands, with investments directed mostly to the financial and insurance industry,” sabi ng central bank.

Sa unang dalawang buwan ng taon, ang FDI net inflows ay nagkakahalaga ng USD2.3 billion, tumaas ng 48.2 percent mula USD1.5 billion na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

“The growth in FDI reflects sustained investor confidence in the country’s macroeconomic fundamentals and resilience amid persistent inflationary pressures and global economic uncertainties,” sabi pa ng BSP.

Ang Netherlands at Japan ang  top sources ng FDIs sa nasabing panahon.                                 

(PNA)