NALAMPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang collection target nito para sa Pebrero.
Sa isang statement, sinabi ng BOC na ang revenues nito noong nakaraang buwan ay nasa P70.601 billion, mas mataas ng 6.64% kumpara sa target na P66.207 billion.
Ang year-to-date collection ng BOC ay nasa P10.444 billion, nahigitan ang two-month target nito ng 7.82%.
Ayon sa Customs, ang kanilang higher-than-target revenue performance noong nakaraang buwan ay dahil sa mas mataas na assessment rate sanhi ng gumandang sistema ng pagdetermina sa customs value ng imported goods.
Ang pinalakas na istratehiya at technological advancements ay nagpahintulot sa ahensiya na i-optimize ang procedures at trade facilitation efforts nito.
Pinaigting din ng Customs ang border protection at anti-smuggling campaign nito.
Para sa kasalukuyang taon, ang ahensiya ay inatasang mangolekta ng halos P1 trillion.