(Noong Setyembre) UTANG NG PINAS LUMOBO SA P15.89-T

LUMAKI ang utang ng Pilipinas sa P15.89 trillion noong Setyembre, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Mas mataas ito ng 2.2 percent kumpara sa P15.55 trillion noong Agosto.
Year-on-year, ang utang ng bansa ay lumobo ng 11.4% mula P14.268 trillion na naitala noong September 2023.

Gayunman, sinabi ng Treasury na ang debt level ay nananatiling manageable dahil karamihan o 68.8 percent ay hiniram mula sa local lenders at 31.2 percent lamang ang foreign debt.

“Domestic debt reached P10.94 trillion as of end-September 2024, a modest increase of 1.3 percent from the previous month. This was mainly driven by P145.11 billion net issuance of new government securities, which was slightly offset by a P460 million decrease in the value of US dollar-denominated securities due to the appreciation of the Philippine peso,” ayon sa BTr.

Samantala, ang external debt ay umabot sa P4.96 trillion, tumaas ng 4.2% mula sa naunang buwan.

Ang paglobo ng foreign debt ng bansa ay sa likod ng P200.89 billion na net foreign borrowings, kabilang ang P140.99 billion ($2.5 billion) na bagong US dollar bonds floatation upang suportahan ang general budgetary requirements.

“Nevertheless, favorable foreign exchange adjustments contributed a substantial decrease of P2.43 billion in the overall external debt,” ayon sa ahensiya.

“Overall, the Philippine government’s prudent debt management, supported by heavy bias on local funding, contributes to the country’s strong fiscal position and continued resilience amidst global uncertainties.”

Nauna rito ay sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na ang utang ng bansa ay maaaring lumobo sa hanggang P20 trillion sa pagtatapos ng termino ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.

Sa kabila nito, sinabi ni Recto na bagama’t patuloy na tumataas ang nominal debt, mahihigitan ng economic growth ng bansa ang paglobo ng utang.

Aniya, ang ekonomiya ng Pilipinas ay maaaring magkahalaga ng P37 trillion sa 2028, laban sa tinatayang utang na P20 trillion.