DAHIL sa rami ng commercial loads ng seryeng “Onanay” nina Superstar Nora Aunor, Cherie Gil, Mikee Quintos, Kate Valdez, Jo Berry and a lot more, ang supposed-to-be na special participation lang dito ni Ate Guy ay humaba na ng humaba ang role at talagang tagisan sila sa acting ni Cherrie Gil.
Pero hindi rin paawat ang Mikee Quintos vs. Kate Valdez sa kanilang pakikipagtagisan ng acting sa dalawang veteran actresses mentioned earlier.
Lalo na si Jo Berry na dumarami na ang mga tagahanga at karamihan ay belong sa millennial era.
ZCENTIDO RELEASES FIRST ALBUM
MASAYANG-masaya ang Zcentido sa kanilang first album na “Unang Hakbang” na may 5 original songs, isang cover song “Mamang Sorbetero” at ang carrier single na “Ikaw, Ako, Tayo.”
Sa tulong ng award-winning sound engineer Mr. Nikki Silvestre Cunanan ay nabuo ang tunog. Tiyak na mapapaindak ang mga makakarinig ng musika ng Zcentido. Nakapag-perform na rin ang banda sa iba’t ibang entablado. Pero ang kaabang-abang ay ang pagtuntong nila sa stage ng PhilSka Music Festival. Makakasama pa nila ang dalawang international SKA bands na “Beat Bahnhof” at “Red Stripes.” Idolo ng Zcentido ang “Put3ska” na may hit song na “Manila Girl.” Naniniwala sila na dapat mas makilala pa ang SKA sa bansa.
Sa album launch ng grupong Zcentido na ang carrier single ay pinamagatang Unang Hakbang ay pansin namin na pawang may edad na ang mga miyembro pero ang gagaling pa rin ng kani-kanilang mga boses in pernes na puwedeng masabing… oldies but goodies na kinabibilangan nina Richard Cruz (band leader/drummer), MJ Cruz (lead singer), Gary Ragay (bassist), Christoph Alday (guitarist), Joseph Jamorol (keyboardist), Patrick Blanco (trumpet), at Jericho Garcia (trombone).
Comments are closed.