NORA AUNOR MALUNGKOT DAHIL ‘DI MAKAAWIT

KUNG ang pag-uusapan ay ang acting career ngayon ng nag-iisang Superstar sa bansa na si Nora Aunorwallface ay masasabing blooming ito. Lalo pa nga’t mataas ang ratings ng kanyang “Onanay” at maging sa mga kasama niyang artista ay enjoy na enjoy si Nora sa mga ito. Lalong-lalo na kay Jo Berry, ang little woman sa naturang eksena. Hindi kasi akalain ni Ate Guy na sa kauna-unahang teleseryeng ginawa nito ay marunong na raw itong makipagbatuhan ng dayalogo sa mga artistang nauna pa sa kanya.

Impressed si Nora sa talent ni Jo, maging ang kasamahan nila na batikan at magaling na actress na si Cherie Gil ay bow sa husay ni Jo. Promising din ang dating kay Ate Guy ng mga baguhan  tulad ni Jo na sina Mikee Quintos at Kate Valdez, maging si Enrico Cuenca.

Kung hapi si Ate Guy sa kanyang acting karir, sad naman ang superstar sa kanyang singing career. First love at naging stepping stone ni Ate Guy ang pagkanta kung kaya nakilala siya sa mundo ng showbiz. Dahil sa nagkaproblema sa lalamunan at napilitan si Ate Guy na ‘ipahinga’ ang kanyang pagkanta para ‘di na masyado pang lumala ang sitwasyon.

Say ni Ate Guy, miss na miss na niyang kumanta at ‘pag nakaririnig siya ng mga bagong kanta ay feel na feel daw niya itong kantahin pero hindi naman niya magawa. Kung aalis naman daw siya papuntang States kung saan gagawin ang kanyang operasyon ay magsa-suffer naman daw ang kanyang work ngayon sa Pinas, lalo pa bukod sa operasyon ay kinakailangan pa niyang magpahinga ng husto para makarekober at tuluyan ng bumalik muli ang kanyang ginintuang tinig. Ika nga, kung pipiliin ni Ate Guy na kumanta, matatagalan naman siya sa kanyang acting career, e kainitan pa naman niya ngayon ulit at ini-enjoy pa niya ito ng husto.

MOVIE NI CARLO AQUINO PINAGPIPISTAHAN

CARLO AQUINODAHILAN sa kasikatan na tinatamo ngayon ni Carlo Aquino, (salamat sa pelikula nila ni Angelica Panganiban na “Excess Baggage” na kumita sa takilya) ay tila mas agresibo ngayon ang mga netizen followers ni Carlo Aquino.

Bigla ngang bumulaga ang isang eksena sa movie niya last 2013 na may pamagat na “Porno”, isang trilogy kung saan ay kasama niya rin sina Rosanna Roces, Angel Aquino at Yul Servo. Pinagpipistahan ngayon ang sex video o viral video ni Carlo. Maging ang mga comment sa naturang video ay hot na hot din at tila feel na feel ng mga nagkokomento ang ginagawa ni Carlo. May nag-aakala na mababalewala raw ang pag-eemote ni Carlo sa video na iyon dahil may pelikulang ginagawa ngayon si Carlo intended for Metro Manila Film Festival at siguradong hindi ito maaprubahan, may nagsasabing fake news at may nagtatanong kung deleted scene daw ba ito ng pelikula nila ni Angelica Panganiban dahil sa tindi ng pag-eemote ni Carlo. Pero ang katotohanan ay naipalabas na ang natu­rang indie movie, in time na  kainitan ng mga sexy and hot indie films.

Comments are closed.