Congratulations Miss Nora Aunor dahil siya na pala ngayon ang most awarded Asian actress in the world. Phenomenal, genius and legendary. Isa na naman itong malaking karangalan sa bansang Pilipinas.
Hindi kataka-taka dahil napakarami niyang kontribusyon sa pelikula at music industry, na hinangaan at pinarangalan hindi lamang sa Asia Pacific kundi sa North Americas, Hawaii, Guam, Saipan at Europe. Karapat-dapat siyang tanghaling National Artist of the Philippines.
Huwag na nating banggitin ang napakaganda niyang mga pelikulang pinarangalan sa loob at labas ng bansa. Banggitin na lamang natin ang pelikulang “Himala” na hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng isang kabataang babae sa Cabra, Lubang Island, Occidental Mindoro sa pagitan 1966 at 1967.
Sa direksyon ni Ishmael Bernal at panulat ni Ricky Lee, binago nito ang pananaw ng mundo sa pelikulang Filipino.
Isa itong religious drama na produced ng Experimental Cinema of the Philippines na ang bida nga ay ang nag-iisang Superstar bilang Elsa, dalagang probinsyana. Nakikita umano niya ang Birheng Maria. Sinasabing hanggang 1972 ay nagpapakita pa rin ang Birhen sa ilang kabataang babae.
Taong 1982 ito inilahok sa Metro Manila Film Festival and as expected, Best Actress si Ate Guy.
“Himala” ang kauna-unahang pelikulang Filipino na inilahok sa Berlin International Film Festival at nanalo rin ito.
Noong 2012, 30th anniversary ng Himala, ini-restore ito bilang bahagi ng ABS-CBN Film Restoration Project, at ipinalabas naman sa 69th Venice International Film Festival bilang bahagi ng Venice Classic section.
Himala ang itinuturing na Greatest Filipino Film of All Time. Pinasikat nito si Ate Guy sa buong Mundo, at kahit ang mga movie critics ay nagsasabing superb ang kanyang acting, na pwedeng makipagsabayan, kundi man malampasan, ang mga Hollywood actors.
Noong November 11, 2008, nagkamit ng Himala ang Viewer’s Choice Award for the Best Film of All Time from the Asia-Pacific Region in the 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards, kung saan inilampaso nito ang siyam na kalaban dahil sa pagboto online ng napakaraming viewers.
Noong 2003, ginawa itong musical nina Lee at Vincent A. de Jesus dahil namatay na si Bernal noong 1996, at ang title naman ay “Isang Himala.” Isinali ito sa katatapos na 2024 MMFF ngunit iba pa rin talaga ang nag-iisang Nora Aunor.
RLVN