NOVA PRINCESS PAROJINOG INILIPAT NG KULUNGAN

Nova Parojinog

INILIPAT ng kulu­ngan ang high profile inmate ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Que­zon City na si da­ting Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog.

Kinumpirma ni PNP Public Information Office Chief, BGen. Ronaldo Olay ang jail transfer at sinabing sa jail facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon City ang bagong kulungan ni Nova Princess.

Alas-2 ng hapon, Agosto 25 nang dalhin si Parojinog sa bago nitong kulungan.

Ang jail transfer kay Nova Princess ay bilang pagsunod sa court order.

Matatandaang noong isang taon ay nakaladkad sa kontrobersiya ang babaeng preso nang akusahan nito na minolestiya siya ng noo’y PNP Custodial Service Chief na si PLt. Col. Jigger Noceda.

Agad na pinaimbestigahan ng liderato ng PNP sa Women and Children’s Protection Center ang reklamo ng Attempted Rape, Acts of Lasciviousness at Violation of Safe Spa­ces and Unjust Vexation laban kay Noceda na nagresulta sa pagkakasibak nito sa puwesto. EUNICE CELARIO

94 thoughts on “NOVA PRINCESS PAROJINOG INILIPAT NG KULUNGAN”

  1. 51050 335021I dont normally check out these types of web sites (Im a pretty modest person) – but even though I was a bit shocked as I was reading, I was undoubtedly a bit excited as nicely. Thanks for generating my day 960807

Comments are closed.