PERSONAL na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) at naghain ng kanilang kontra salaysay sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin at ex-Budget Secretary Florencio “Butch” Abad, sa pagpapatuloy ng preliminary investigation kahapon kaugnay sa kasong may kinalaman sa pagbili ng P3.2 bilyon dengvaxia vaccine.
Matatandaang una nang kinasuhan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippines Con-stitution Incorporated sina Aquino at 44 iba na dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH) ng paglabag sa Re-public Act (RA) 9184 o Government Procurement Law, gayundin sa paglabag sa section 3 (e) ng RA 3019 o Anti-graft and Cor-rupt Practices Act, technical malversation at paglabag sa Article 365 ng Revised Penal Code o Criminal Negligence.
Pormal na pinanumpaan ng mga respondent ang kani-kanilang sinumpaang salaysay sa harap ng DOJ panel na nag-iimbestiga sa naturang kaso.
Kaugnay nito, pinagsusumite naman ng DOJ panel ang mga respondent ng tugon sa counter affidavit at ipagpapatuloy ang pag-dinig sa Hunyo 22.
Matapos naman ang pagdinig, nagpaunlak ng panayam si Aquino sa mga mamamahayag at iginiit na wala pang matibay na ebidensiya na nagpapakita na nakamamatay ang Dengvaxia.
Sa halip, nanindigan si Aquino na may benepisyong hatid ang anti-dengue vaccine sa may 830,000 kabataan na nabakunahan nito partikular na iyong mga naturukan na nagka-dengue na.
“To this day wala pang nagpapakita na ang Dengvaxia, nakamamatay,” ayon kay Aquino.
Matatandaang una nang inamin noong nakalipas na taon ng Sanofi Pasteur na maaaring magkaroon ng malubhang sakit na den-gue ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Sinabi naman ni Aquino na 0.2 porsiyento lamang ng subset ng Dengvaxia recipients na hindi pa nagkaroon ng dengue ang may panganib na magkaroon ng severe case ng dengue, batay na rin aniya sa pag-aaral, habang ang 99.8 porsiyento naman ay nagkaroon ng proteksiyon ng halos 30 buwan.
“’Yung risk, meron ‘yung 0.2 percent na binabanggit na baka magka-severe dengue. [Ang] gain [ay] ‘yung natira sa 100 per-cent, 99.8 percent ng population, ay nagkakaroon ng proteksiyon na at least 30 months,” ani Aquino. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.