NPA INTEL OFFICER, TAX COLLECTOR, 3 PA TODAS SA ENGKUWENTRO

NPA

RIZAL- PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Philippine Army 2nd Infantry Division ang nakatakas na  pinuno ng Finance staff at  Execom member ng Communist party of the Philippine-New Peoples Army  makaraang mapatay ang lima nitong kasamahan sa  isinagawang law enforcement operation ng militar at pulis kamakalawa sa Baras sa lalawigang ito.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Army 2nd Infantry Division may mga impormasyon na silang nakalap mula sa dating NPA rebels sa posibleng pinagtataguan ni Antonio Cule alias Dad,  pinuno ng  Finance Staff at  Execom member ng NPA’s Sub-Regional Military Area or SRMA 4A .

Sa nasabing law enforcement operation na ikinasa laban kay Cule , limang NPA ang napaslang nang salakayin ng militar ang hinihinlang pinagtataguan nito sa Barangay San Juan sa bayan ng Baras na ikinamatay ng 5 hinihinlang NPA kabilang ang kanilang intelligence officer at revolutionary tax collector.

Ayon kay Capt. Jayrald Ternio, spokesman ng  Army’s 2nd Infantry Division sa  Camp Capinpin sa bayan ng  Tanay , kabilang sa mga nasawi si alias Onli, isang top  intelligence officer ng  NPA unit, SRMA 4-A na kumikilos sa Calabarzon region,

Napatay din ang isang  alias “Sandra,”  staff member ng Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri at asawa ni  Luis, secretary ng NPA’s Guerilla Front Cesar.

Ayon kay Ternio, naka- deploy ang mga tauhan ng  Army’s 202nd Brigade at mga operatiba ng Rizal PNP sa  Barangay San Juan para isilbi ang dala nilang warrant laban kay Cule.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw habang papalapit ang tropa sa target area ay sinalubong na sila ng sunod sunod na putok kaya nagkaroon ng enkuwentro na ikinamatay ng limang rebelde.

Nabawi sa encounter site ang  isang M16 rifles, cal.45 pistol, isang  cal .38 pistol, isang Uzi  machine pistol, electronic devices, lap tops at rebel documents na pinaniniwalaang may high intelligence values. VERLIN RUIZ

Comments are closed.