NPA OFFICIAL NAPURUHAN SA ENGKUWENTRO

nakipag barilan

LAGUNA – NASAWI sa pakikipaglaban sa mga kagawad ng Provincial Intelligence Unit (PIU) AIR4 PA, LMFC, 202nd Brigade PA, Regional Intelligence Division (RID) at Kalayaan PNP ang itinuturong mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Buho, Kalayaan, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay Calabarzon PNP Director PBGen. Vicente Danao Jr. nakilala ang nasawi na si

Mario Caraig y De Las Alas, alias Ka Jetro/Dan, tumatayong Secretary, Sub Regional Military Area (SRMA) 4C, Batangas at  Cavite area kabilang ang pagiging Alternate Execom Member, STRPC (New Composition).

Dakong alas-12:10 ng madaling araw batay sa ulat ng hindi inaasahang makasagupa ng nasabing operatiba ang suspek habang aktong maghahain ang mga ito ng warrant of arrest kaugnay ng kinasasangkutan nitong kasong Multiple Murder, Multiple Attempted and Frustrated Murder sa kanyang safehouse hindi kalayuan sa pinangyarihan ng engkwentro nitong nakalipas na ilang araw na ikinamatay ng tatlo nitong kasamahan.

Lumilitaw na matapos mamataan ng suspek ang paparating na operatiba sa lugar ng agad umano nitong pinagbabaril na nauwi sa pagpapalitan ng putok.

Doon mismo sa loob ng kanyang safehouse, binawian nang buhay ang suspek bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa talaan napag-alaman na matagal ng pinaghahanap ng awtoridad ang suspek kaugnay ng kinasasangkutan nitong mga kaso bukod pa umano ang pagiging mataas na opisyal ng kanilang samahan kung saan hinihinalang nagawa nitong makatakas ng maganap ang naunang engkwentro sa lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre 45 at 9mm na baril, magazine at mga bala, dalawang hand grenade, dalawang aklat ng kanilang samahan kabilang ang mga subersibong dokumento. DICK GARAY

Comments are closed.