NPA SUB-LEADER NALAMBAT NG MILITAR

arestado

NORTH COTABATO – NAARESTO  ng awtoridad ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa probinsyang sakop ng lalawigan.

Nakilala ang rebelde na si Dante Idao, 41-anyos, may asawa, squad leader ng Guerilla Front Committee 53 at residente ng Brgy. Balite, Magpet.

Ayon sa ulat ng 901st Brigade Philippine Army na tumanggap sila ng ulat galing sa mga sibilyan na namataan si Idao sa Sitio Caligawan, Brgy. Noah sa bayan ng Magpet.

Agad na inaresto ng mga sundalo at pulis si Idao na may warrant of arrest sa iba’tibang kaso.

Matagal nang pinaghahanap ng awtoridad ang suspek na itinurong na­nguna sa pananambang sa mga sundalo at pagsalakay sa mga Army/Cafgu detachment sa bayan ng Magpet, Arakan, Antipas, at President Roxas North Cotabato. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.