NUGGETS NAKAUNA SA HEAT

TUMAPOS si Nikola Jokic na may tripledouble na 27 points, 10 rebounds at 14 assists at umiskor si Jamal Mur- ray ng 26 points at nagbigay ng 10 assists upang pangunahan ang Denver Nuggets sa 104-93 panalo kontra bisitang Miami Heat nitong Huwebes.

Nagdagdag si Michael Porter Jr. ng 14 points at 13 rebounds habang tumi- pa si Aaron Gordon ng 16 points para sa Nuggets na nagwagi sa series opener na hindi kinailangan na sumandal nang husto kay Jokic, bagama’t nanguna ito sa scoring.

Nagtala si Jokic ng 8 of 12 mula sa field ma- karaang tumira lamang ng limang beses sa tatlong quarters. Nahila niya ang kanyang NBA single-year record sa kanyang ika-9 na triple-double sa playoffs.

Bumuslo ang Denver, ang top seed sa Western Conference, ng 59.5 percent mula sa field sa first half at 50.6 percent para sa laro habang umangat sa 9-0 sa home sa playoffs.

Nakalikom si Bam Adebayo ng 26 points at 13 rebounds para sa Heat, subalit nalimitahan si Jimmy Butler sa 13 points sa 6-of-14 shooting. Ang No. 8 seed sa Eastern Confer- ence ay nabigong manalo sa opener ng isang series sa road sa unang pagkakataon sa apat na pag- tatangka.

Umiskor si Gabe Vin- cent ng 19 points habang nagdagdag si Haywood Highsmith ng 18 para sa Heat na bumuslo ng 37.5 percent sa first half at 40.6 percent para sa laro.

Ang Miami ay 2 of 2 mula sa free-throw line, isang NBA Finals record para sa least number ng freethrow attempts sa isang playoff game.

Nakuntento si Jokic sa papel na playmaker sa first quarter, kung saan tumira siya mula sa field sa unang pagkakataon sa huling 3.3 segundo. Kumana siya ng close-range shot at kinuha ng Denver ang 29-20 lead sa pagtatapos ng opening period.

Naitala ng Nuggets ang kanilang unang double-digit lead sa 32-22 sa 3-pointer ni Murray, may 10:31 ang nalalabi sa first half, at abante ang hosts sa 59-42 sa halftime.

Kinuha ng Denver ang unang kalamangan na hindi bababa sa 20 points sa 81-60, may 2:08 ang nalalabi sa third quarter sa isang pull-up jumper mula kay Bruce Brown. Ang Nuggets ay pumasok sa fourth quarter na may 84- 63 bentahe.

Sinimulan ng Heat ang final period sa 11-0 run upang makalapit sa 84-74, may 9:29 ang nalalabi. Muling kinontrol ng Nuggets ang laro upang kunin ang 90-74 kalamangan, may 7:16 ang nal- alabi sa layup ni Jokic at siniguro ang panalo mula rito.