NUGGETS UNGOS SA BLAZERS

ISINALPAK ni Jamal Murray ang isang 3-pointer, may 0.9 segundo ang nalalabi, upang ihatid ang Denver Nuggets sa 121-120 panalo kontra host Portland Trail Blazers noong Huwebes ng gabi.

Nagsalansan si Nikola Jokic ng 33 points, 10 rebounds at 9 assists, at naitala ni Murray ang 14 sa kanyang 21 points sa fourth quarter at pinutol ng Denver ang kanilang season-worst, three-game slide.

Nagdagdag si Aaron Gordon ng 20 points para sa Nuggets, at nagbigay si Murray ng 8 assists.

Umiskor si Damian Lillard ng 40 points, napantayan ang kanyang season best na 12 assists at gumawa ng season-high nine 3-pointers para sa Trail Blazers, na natalo sa apat sa huling anim na laro.

Nagdagdag si Portland’s Jusuf Nurkic ng 21 points at 9 rebounds habang tumipa si Jerami Grant ng 18 points.

Spurs 118, Rockets 109

Nagbuhos si Keldon Johnson ng 32 points at nagdagdag si Tre Jones ng 26 points nang gapiin ng San Antonio ang bisitang Houston upang putulin ang 11-game losing streak.

Kumamada sina Josh Richardson at Doug McDermott ng tig- 12 points para sa San Antonio, na binasag ang 65-65 pagtatabla sa third quarter at kinuha ang 90-77 bentahe papasok sa fourth.

Nanguna si Jabari Smith Jr. para sa Rockets na may 23 points, habang nagdagdag si Alperen Sengun ng 16 points at 11 rebounds.

Heat 115, Clippers 110

Tumirada si Bam Adebayo ng 31 points at kumalawit ng 10 rebounds, umiskor si Jimmy Butler ng 26 points sa 10-of-12 shooting at ipinalasap ng Miami sa bisitang Los Angeles ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Tumapos si Tyler Herro na may 19 points para sa Heat, habang kumabig si Caleb Martin ng 17 points.

Nanguna si Paul George para sa Clippers na may 29 points, 8 rebounds at 7 assists. Kumonekta si Reggie Jackson ng 4 of 6 mula sa 3-point range tungo sa 20 points.