IPINAALAM kahapon ni Makati City Mayor Abby Binay sa pamamagitan ng kanyang Twitter Account ang pagsusupinde ng number coding scheme ngayong araw na ito (Marso 13) dahil na rin sa bantang idinudulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ang pag-aanunsiyo ni Binay sa pagsususpinde ng number coding scheme ay naisakatuparan ilang oras makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong National Capital Region (NCR) sa ‘community quarantine’ sa loob ng isang buwan mula Marso 15 hanggang Abril 14 ng kasalukuyang taon.
Apektado sa inilabas na direktiba na inanunsiyo ni Duterte ang mga pasok sa trabaho at sa mga paaralan gayundin ang pagbibiyahe papalabas at papasok ng Metro Manila.
Nauna rito, ipinaalam na rin ni Binay ang pagkakansela ng weekend markets sa Salcedo at Legaspi na na-katakda sanang gawin sa darating na Marso 14 at 15, 2020. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.