NUMBER CODING SA PROVINCIAL BUS SUSPENDIDO NG 5 ARAW

PROVINCIAL BUS

MAKATI CITY – LIMANG araw na sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapairal ng number coding sa mga provincial buses upang masiguro na may sapat na bilang ng mga pamapasaherong bus na bibiyahe sa mga lalawigan para sa mga pasaherong uuwi ngayong Holiday Season.

Base sa memorandum ng MMDA suspendido ang number coding sa lahat ng provincial buses sa mga sumusunod na petsa:  December 23 (Lunes), December 24 (Martes), December 26 (Huwebes), December 27 (Biyernes); December 31 (Martes) at January 2 (Huwebes).

Pahayag ng MMDA na automatic namang suspendido ang pagpapairal ng number coding sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan sa mga petsang idineklarang regular holiday gaya ng December 25 (Miyerkoles, araw ng Pasko); December 30 (Lunes, Rizal Day) at January 1 (Miyerkoles, Bagong Taon).

Nagpalabas na rin ng abiso ang MMDA sa lahat ng enforcement units na papayagan ang pagbiyahe ng provincial buses sa nasabing mga petsa kahit sila ay co­ding. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.