MAKATI CITY – MALAYA ang mga private car at iba pang sasakyan na magbiyahe bukas sa loob ng Metro Manila.
Ito ay nang ianunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang number coding scheme o Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP) bukas, Agosto 26.
Paliwanag ni MMDA Chairman Danny Lim, ang suspensiyon ay bilang pakikiisa sa paggunita ng National Heroes’ Day.
Pagkakataon aniya ang araw na ito para alalahanin ang mga bayani ng bansa habang makapagpahinga ang mga trabahador.
Pinayuhan ng ahensiya ang publiko na planuhin ang lakad at mag-ingat sa biyahe.
Samantala, maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpaalala ng pay rules para sa nasabing okasyon dahil nararapat na ibigay ang overtime pay sa mga papasok at nasa regular status. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM