NWRB IPINAGPALIBAN ANG PANIBAGONG PAGBABAWAS NG ALOKASYON NG TUBIG

IPINAGPALIBAN  ng National Water Resources Board (NWRB) ang balak nitong pagbabawas ng alokasyon ng suplay ng tubig mula sa Angat Dam para sa Metro Maynila nitong April 15, bagamat nagkaroon ng panibagong pagbaba ng .35 meters ang water level nito mula sa pinakahuling naitalang 194.80 meters noong Sabado dahil sa matinding init ng panahon na dulot ng El Nino phenomenon.

Ayon sa Philippine Atmospheric ,Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG ASA), dahil sa 35 meters na pagbaba ng water elevation ng Angat Dam ay umabot na lamang sa 194.45 meters ang level ng tubig nito bandang alas sais ng umaga ng Linggo. Ito ay 17.55 meters na mababa sa normal high water level ng Angat Dam na 212 meters.

Ang patuloy na pagbaba ng ng Angat Dam ng mga nakaraang linggo ay umaabot sa average na .31 meters kada araw, ayon sa mga specialist ng hydrometeorologists ng PAGASA.

Sa gitna ng patuloy na pagbaba ng water elevation ng Angat Dam na siyang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila, muling tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos David na titiyakin nilang hindi magkakaroon ng interruption sa suplay ng tubig dito.

Ipinahayag din ni David na hindi na muna itinuloy ng DENR sa pamamagitan ng attached agency nito na NWRB ang balak na bawasan ang alokasyon ng tubig na isusuplay sa Metro Manila.

Ito ay matapos magdesisyon ang DENR at NWRB na panatilihin ang 50 cubic meters per second (cms) na alokasyon sa mga concessionaires nito na Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Maynilad Water Services Inc. hanggang April 30.

Ayon kay David patuloy na nirerepaso ng NWRB ang water level elevation sa Angat Dam tuwing 15 araw.Muli aniya nitong irereassess ang level ng tubig dito sa katapusan ng Abril.

Subalit kung bumaba pa aniya sa critical na 189 meters ang level ng tubig sa Angat Dam pagkatapos ng buwan ng Abril, doon lamang makakapagdesisyon ang NWRB kung ipapatupad na ang pagbabawas sa alokasyon ng tubig sa Kalakhang Maynila mula sa Mayo 1.

Ayon kay Patrick Dizon, department manager at the Metropolitan WaterWorks and Sewerage System nakatulong ang strategy ng water concessionaires sa pagbabawas ng water pressure sa magdamag upang hindi kaagad mabawasan ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila na siyang naging dahilan kung bakit ipinagpaliban ito.

Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng 90 porsiyento ng potable na tubig sa Metro Manila at sa irrigation ng 25,000 ektarya ng farmlands sa Bulacan at Pampanga.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia