UMALIS kahapon si reigning Southeast Asian Games at Asian Athletics pole vault champion Ernest John Obiena patungong Italy para mag-training ng apat na buwan sa masusing gabay ni Ukraine coach Vitaly Petrov bilang paghahanda sa World Athletics at 2019 Southeast Asian Games kung saan itataya ng 23-anyos na Pinoy ang kanyang korona na napanalunan sa Malaysia, dalawang taon na ang nakararaan.
Ang World Athletics ay gagawin sa Qatar habang ang 30th edition ng SEAG ay iho-host ng bansa sa Disyembre.
“EJ will train for four months. After training, he will compete in the World Athletics and the SEA Games,” sabi ni national coach Emerson Obiena, ama ni Ernest John, sa eksklusibong panayam sa kanya sa PATAFA office.
“Mabigat ang laban niya sa Qatar. Lahat na magagaling sa pole vault sa mundo ay kasali. Kailangang handang-handa siya at in top shape physically and mentally para may laban at manalo,” wika ng matandang Obiena, dating SEA Games medalist sa pole vault.
Ipinakita ni Obiena ang kanyang galing sa pole vault makaraang madominahan ang Asian Athletics na ginawa sa Qatar at ang kanyang golden leap na 5.71 meters ang bagong record kung saan binura niya ang record na 5.70 meter ni Yegorov Griogorly ng Kazakhstan noong 1993 sa Manila, gayundin ang 5.70 meters ni Seito Yamamoto.
Tinalo ni Yamamoto si Obiena sa Chinese Taipei Invitational Athletics at sinira niya ang record ng Japanese sa Asian Athletics. Winasak din ni Obi-ena ang kanyang lumang record na 5.61 meters at 5.30 meters na naitala sa Chinese Taipei Invitational Athletics competition.
Ang kanyang bagong Asian Athletics record ay mababa sa Continental record na 5.92 meters na hawak ni Potapovich Igor ng Kazakhstan noong 1998 sa Stockholm, Sweden.
Kamakailan ay nanalo si Obiena sa Thailand Open Invitational Athletics na idinaos sa Thammasat University track and field sa Bangkok laban kay local boy at dating SEA Games champion Puranot Purahong.
Si Obiena ang best bet sa gold sa pole vault at umaasa si athletics president Philip Ella Juico na mapananatili ni Obiena ang titulo bilang undisputed pole vault champion sa SEA Games.
“Obiena is our top athlete in pole vault. His record breaking performance in Qatar indeed is a strong indication he will retain his title,” sabi ni Juico.
Si Obiena ay kasama sa priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC). CLYDE MARIANO
Comments are closed.