OBIENA 4TH SA ISTAF BERLIN MEET

ISANG araw makaraang magtala ng bagong Asian record sa pole vault, si Filipino Olympian EJ Obiena ay tumapos sa ika-4 na puwesto sa ISTAF Berlin tournament sa Germany noong Linggo (oras sa Berlin).

Kinailangan ni Obiena ng tatlong  attempts para malusutan ang 5.81-meter mark, ang kanyang huling matagumpay na clearance sa torneo.

Nag-skip siya sa 5.86m at dumiretso sa 5.91m, ngunit nabigo siyang ma-clear ang naturang level.

Tumapos si Obiena sa likod nina Americans Sam Kendricks, Christopher Nilsen, at KC Lightfoot.

Na-clear din ni Lightfoot ang 5.81-mark subalit kinuha ang ikatlong puwesto makaraang ma-clear ito sa attempt lamang.

Nakopo nina Kendricks at Nilsen ang una at ikalawang puwesto, ayon sa pagkakasunod, nang ma-clear ang 5.91 meters.

Kapwa sila hindi lumundag sa 5.96m level at nagtanga sa sumunod na clearance sa 6.01m. Gayunman ay kapwa sila nabigo sa lahat ng tatlong attempts sa naturang level.

Noong Sabado ay nagtala si Obiena ng bagong Asian record nang ma-clear ang 5.93m mark sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.

7 thoughts on “OBIENA 4TH SA ISTAF BERLIN MEET”

Comments are closed.