NAKAHANDA na si pole vault ace EJ Obiena na magbalik sa aksiyon kasunod ng kanyang 11th-place finish sa katatapos na 2020 Tokyo Olympics.
Mismong si Obiena, 25, ang nag-anunsiyo nito sa kanyang Facebook account kung saan ibinahagi niya na masusubukan ang kanyang lakas sa Athletissima sa Lausanne, Switzerland ngayong Huwebes, Agosto 26, laban sa mabibigat na katunggali.
Nakatakda ang kumpetisyon sa alas-7:35 ng gabi (ala-1:35 ng madaling araw sa Pilipinas).
Muling makakasagupa ni Obiena ang kanyang mga kapwa Tokyo Olympians — gold medalist Mondo Duplantis ng Sweden at Christopher Nilsen ng United States, na nagwagi ng silver sa Tokyo.
Sasabak din sa torneo si American Sam Kendricks at inaasahang babawi ito makaraang hindi makalahok sa Olympics makaraang magpositibo sa COVID-19.
Nakatakda ang kumpetisyon sa alas-7:35 ng gabi (ala-1:35 ng madaling araw sa Pilipinas).
351428 672448Hello! I just now would decide on to supply a enormous thumbs up with the wonderful details you could have here within this post. I is going to be coming back to your weblog web site for additional soon. 597690