NABIGO si EJ Obiena na bigyan ng medalya ang Pilipinas sa Tokyo Olympics.
Hindi nagtagumpay ang Filipino pole vaulter na ma-clear ang 5.80 meter mark upang masibak sa kontensiyon sa men’s pole vault finals Martes sa Olympic Stadium.
Makaraang magaan na ma-clear ang 5.55-meter mark, nahirapan ang 25-anyos na si Obiena sa sumunod na height nang sumablay sa unang dalawang lundag sa 5.70m. Gayunman ay nagtagumpay siya sa kanyang third at final attempt upang manatili sa kontensiyon.
Nabigo rin si Obiena, kasalukuyang no. 6 sa mundo, sa kanyang una at ikalawang attempt sa 5.80m.
Nauna siyang na-foul sa kanyang ikatlong attempt, ngunit nakumbinse niya ang mga opisyal na bigyan siya ng re-jump nang magprotesta na gumagalaw pa ang uprights nang magsimulang tumakbo ang oras.
Sa kabila nito ay nabigo rin siyang ma-clear ang height sa kanyang final attempt.
564961 940365Interested in start up a online business on line denotes revealing your service also providers not only to humans within your town, nevertheless , to numerous future prospects which are cyberspace on a lot of occasions. pays every day 506667
545735 501339Woh Everyone loves you , bookmarked ! My partner and i take issue in your last point. 710031