IPINAKITA ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang kanyang kahandaan sa Paris Olympics.
Na-clear ni Obiena ang 5.97 meters, ang kanyang season-best, upang kunin ang gold medal sa Irena Szewinska Memorial sa Bydgoszcz, Poland nitong Biyernes.
Nakopo ni Emmanouil Karalis ng Greece ang silver, matapos maitala ang personal-best 5.92 meters, habang nagkasya si home bet Piotr Lisek sa bronze na may 5.75-meter showing.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Obiena na naghahanda siya para sa isa pang tilt, ilang araw matapos magwagi sa kumpetisyon.
“Now some much needed rest and we go again in Poznan on the 23rd!!!” aniya.
Bahagi ito ng kanyang paghahanda para sa Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.