OBIENA MAPAPALABAN ULIT SA QATAR

MAKARAANG magwagi sa katatapos na Asian Athletics sa Qatar, babalik si Ernest John Obiena sa  tiny, oil-rich kingdom sa Middle East upang sumabak sa Diamond Invitational Athletics na lalarga sa Mayo 5 sa Khalifa Stadium, tampok ang mga piling-pili atleta sa mundo, kasama ang United States, Poland, at Brazil.

Sa eksklusibong panayam,  sinabi ni Obiena na 10  world-class pole vaulters ang kanyang  dinomina sa katatapos na Asian Athletics kung saan tinalo niya  sina Zhang Wei  at Bokai Huang sa golden leap na 5.71 meters.

Hindi nangangako si Obiena na maduplika ang ginawa niya sa Asian Athletics dahil world-class and competition at inamin niyang mahirap ang kanyang pagdaraanan bago makarating sa medal podium.

“My quest for the coveted medal is tough because of the toughness of competition. I will do my very best out there and use all of my knowledge and experience to give honors to the country,” sabi ni Obiena.

“This is not an ordinary competition. The host country invited athletes based on their credential and recent international records. This tournament features best pole vaulters in the word,” wika ng 23-anyos na anak ni SEA Games medalist at personal coach Emerson Obiena.

Kasama sa makaka­laban ni Obiena si Olympic champion Thiago Braz ng Brazil. Si Braz ay kasama ni Obiena na nag-training sa Italy sa ilalim ng pangangasiwa ni Vitaly Petrov ng Ukraine.

Ang kanyang ta­lon na 5.71 meters ay bagong meet record kung saan binura niya ang lumang marka na 5.70 meters ni Yegorov Griogorly ng Kazakhstan noong 1993 sa Manila.

Sa kanyang panalo ay maglalaro si Obiena sa World Athletics na gagawin din sa Qatar sa September.

Binura rin ni Obiena ang kanyang personal best na 5.61 meters at hinigitan ang 5.30 meters na kanyang naitala  sa Chinese Taipei Athletics. Ang kanyang bagong Asian record ay mababa sa Continental record na 5.92 meters na ginawa ni Potapovich Igor ng Kazakhstan noong 1998 sa Stockholm, Sweden.

Sinira rin ni Obiena ang 5.70 meters na naitala ni Seito Yamamoto ng Japan na tumalo sa kanya sa Chinese Taipei Invitational Athletics.

“His 5.71 meters record-breaking performance in the Asian Athletics is an affirmation and manifestation he will retain his title he won in Ma-laysia two years ago,”sabi  ni PATAFA president Philip E. Juico.

Si Obiena ay kasama sa priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC).  CLYDE MARIANO

Comments are closed.