BUMAWI si Filipino pole vaulter EJ Obiena mula sa sixth place finish sa Stockholm leg ng Diamond League nang dominahin ang Jump and Fly meet sa Weiherstadion, Hechingen sa Germany nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Na-clear ni Obiena ang 5.80-meters sa kanyang ikatlong attempt upang kunin ang gold medal.
Tinangka niyang magtala ng bagong personal best subalit nabigong ma-clear ang 5.94-m sa tatlong attempts na
Nasa ikalawang puwesto si Huang Bokai ng China na na-clear ang 5.50-m, habang nagkasya si Vincent Hobbie ng Germany sa ikatlong puwesto sa 5.10-m.
Si Obiena ay galing sa sixth place finish sa BAUHAUS-Galan sa Stockholm, kung saan na-clear niya ang 5.73-meters.
Sa parehong Diamond League leg ay nagtala si Armand Duplantis ng Sweden ng bagong world record na 6.16-meters.