OBIENA PAPALITAN BILANG FLAG BEARER SA TOKYO OLYMPICS

Abraham Tolentino

NAKATAKDANG palitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si  pole vaulter EJ Obiena bilang male flag bearer ng bansa sa Tokyo Olympics dahil sa mga pagbabago sa protocols na itinakda ng mga organizer.

Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, nagpatupad ang Tokyo organizers ng mga bagong kautusan kung saan ang flag bearers ay dapat na nasa venue, 48 oras bago ang Parade of Nations sa July 23.

Gayunman, si Obiena ay makararating lamang ng alas-12:30 ng tanghali ng July 23, at ayon kay Tolentino ay maaaring magkaroon ng delay sa sandaling lumapag ito sa airport at posibleng hindi makadalo sa opening rites na magsisimula sa alas-8 ng gabi.

“I already made a heads up to the athletics (federation) that, for sure, we  might replace our male flag bearer because of those reasons and development in Tokyo,” sabi ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition kahapon

“One of our options was to have his flight rebooked but they said we can’t do that because we have submitted the activity plan. We didn’t expect that it would come to this.”

Wala pa, aniya, silang napipiling kapalit ni Obiena subalit iaanunsiyo nila ito sa Miyerkoles o Huwebes.

Comments are closed.