HINDI makalalahok si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa dalawang kumpetisyon sa ibang bansa makaraang tamaan ng COVID-19.
Sa isang Instagram story noong Martes, sinabi ni Obiena na hindi siya sasabak sa Oslo Bislett Games sa June 16 at sa Meeting de Paris sa June 18.
Pagkatapos ay inihayag niya sa isang maikling video na tinamaan siya ng COVID-19.
“The reason why I’m missing those two competitions unfortunately is COVID. I contracted COVID a few days ago and I’m quarantining right now, here in Formia, at home,” aniya.
Si Obiena ay lalahok na lamang sa Taby Stavhoppgsgala sa Sweden sa June 28 at sa Bauhaus Galan sa Stockholm sa June 30.