NAKALULUNGKOT ang pinal na desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na ipa-deport si Sister Patricia Fox.
Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Mission, hindi katanggap-tanggap ang pagtrato ng bansa sa misyonerong dayuhan na tumutulong sa mga katutubo at mahihirap.
“This is a very sad development talagang hindi ito mabuti. I am ashamed of the government.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.
Sinabi ng Obispo na sa mahigit 27 taong paninirahan ni Sr. Fox sa Filipinas, mabuti ang pakikitungo at paglilingkod ng madre sa mga lumad sa nakararanas ng mga pangmamaliit, pang-aapi at pinoprotektahan ang mga inaabuso ang karapatang pantao.
“We know that Sr. Fox is a very good missionary that she has live in the Philippines in the longtime especially for the lumads, the natives, and we know that she symphatizes for the defense of the human rigths of the Lumads,” dagdag ni Bastes.
Ibinahagi ng Obispo na maraming mga katutubo ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan para sa kaligtasan na nakararanas ng panggigipit mula sa mga sundalo dahil itinuturing itong kasapi ng komunistang grupo o ng New People’s Army.
Inihayag pa ng Obispo na ito ang kauna-unahang kaso nang pagpapaalis ng misyonero ng simbahan na tumutulong para sa ikabubuti ng mamamayan sa bansa.
“It’s a crime to deport someone who is doing good for our people of the country,” ani Bastes. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.