OBRERO BOKYA SA MAYO UNO

Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad

MALABO umanong mapagbigyan ngayong Labor Day, ang inihihirit na umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad, batay sa kanilang timeframe ay hindi posible ang pagpapatupad Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng dagdag -sahod sa mismong Araw ng Paggawa.

“We only have today to call for a meeting. Based on the timeframe, we cannot announce a wage increase on May 1,” anang la-bor official.

Nauna rito, naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na  humihirit ng P710 kada araw na across-the-board wage hike para sa mga mangagagawa ng Metro Manila.

Nakasaad sa petis­yon na ‘undernourished’ ang mga minimum wage earner sa Metro Manila dahil hindi sapat ang kanilang sa-hod para sa arawang minimum nourishment requirement.

Sinabi naman ni Lagunzad na maaaring pag-aralan ng board ang petisyon ng TUCP kung may ‘supervening condition’ o sapat na dahilan para itaas ang sahod ng minimum wage ­earners.

Sakali aniyang mapatunayang supervening condition ay maaaring ikonsidera ng board ang pagsuri sa wage petition.   ANA ROSARIO  HERNANDEZ

Comments are closed.