OBRERO NAG-SUICIDE

suicide

MARIKINA – ISANG construction worker ang nagpatiwakal sa hindi pa malamang kadahilanan gamit ang electric cord kahapon sa lungsod na ito.

Samantala, walang nakikitang foul play ang mga operatiba ng Marikina Police Station sa pagpapakamatay ng isang construction worker sa  Block 42 Mais St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Kinilala ang biktima na si Jhun Rey Guitierrez, 22-anyos, construction worker.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya bago nangyari ang pagpapakamatay  ay narinig ni Maricris Parale, 23-anyos,  kapatid ng biktima, ang kakaibang i­ngay mula sa bahay ng kanyang kapatid makalipas ang ilang minuto sinilip nito sa harapan ng pintuan at nagulat nalamang ito ng makitang nakasabit na sa beam malapit sa hagdanan ang biktima at nakatali ang electrical cord sa kanyang leeg.

Agad na pinutol ni Marlon Miguel, 33-anyos, construction worker din ang kable na nakakabit sa leeg ng biktima pero wala na itong buhay.

Hindi pa malaman ng awtoridad kung ano ang motibo ng biktima para kitilin nito ang kanyang  buhay. ELMA MORALES

Comments are closed.