NALAGPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang collection target nito para sa buwan ng Oktubre.
Sa isang statement, sinabi ng BIR na nakakolekta ito ng P186.759 billion noong Oktubre, mas mataas sa adjusted target na P184.030 billion ng 1.48% o P2.729 billion.
Year-on-year, ang October collection ng BIR ay tumaas ng 15.20% o P24.644 billion.
Mula Enero hanggang Oktubre, ang koleksiyon ng BIR ay nasa P1.919 trillion, tumaas ng 12.56% year-on-year, at kumakatawan sa 97% ng revised target ng BIR na P1.974 trillion para sa nasabing panahon.
Nauna nang nagpahayag ng kumpiyansa si Finance Secretary Benjamin Diokno na mahihigitan ng pamahalaan ang revenue goal para sa 2022 na P3.3 trillion.