INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na mailalabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 National and Local Elections sa Enero 7 ng darating na taon.
Tarrget ng poll body na maisapinal ang listahan sa nasabing petsa.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, umaasa sila na mareresolba ang mga kaso ng kanselasyon ng certificate of candidacy at sa nuisance candidates bago target date.
Ang ibang mga kaso tulad ng disqualification case, kung saan mas kumplikado ang mga isyu at kailangan ng mahabang panahon para maresolba, sinabi ni Jimenez na hindi sila maaalis sa listahan.
“Well, hindi sila matatanggal but they will be able to proceed because there will be nothing hindering their candidacy at that time,” paliwanag nito.